Wednesday, January 9, 2013

Sinasaniban

Nakakalimutan ko na muling alamin ang tunay na kahulugan ng paglingap sa damdaming lito.
Dumaraing ang bawat pagsimangot ng mukhang nababalutan ng hapis at yamot.
Saang dako ko kaya lilibangin ang sariling ayaw ng muliy magliwaliw at lumimot.


Sinubukan kitang maging akin
San Francisco California ,USA
Sinabayan ko iyong damdamin
Lubos ko yong pinagyaman
Ngiting aki'y naging iyo na lamang


Sakdal sakit nais ang sumigaw
Dusa'y wala pa man 
Ako'y takot na muli


Lalakbayin yaring panaginip 
Tutuloy sa pagidlip
Pagkalitoy tatalikdan
Paglimot ay susubukan

Sa saliw ng dampi ng liwanag
Lilisanin pusong uhaw

Wednesday, December 12, 2012

Baol ng damdamin

Walang tinta ang aking panulat upang iguhit o italaytay man lamang ang aking nasasaloob.
Ako'y lubhang naguguluhan sa laman nang aking isipang pagod sa dula ng pangarap.
Nalilito at nababagot sa bagal ng aninong gumagabay sa aking pagngiti.
Minsan sa isang araw umaalpas ang ulirat at panaka naka'y naglalaro ng pag ibig.

Ganti ko'y may dusang sasapol sa ginuhit kung walang tinta.
Lulusaw ang aking luha sa bawat tibok ng isipang may sariling tanghalan.
Lilitaw ang lunas sa aninong may dalang pagsibol at paglikha,
Mananatili akong malaya sa pinaka masayang damdamin at muliy iibig.


 

Tuesday, March 6, 2012

Ang Nais ko

Mabuti na ang nasasaktan .. kaysa sa ganito..wala ka ngang iniisip at inaalala..walang sakit sa puso mo..ngunit tila ba nilimot ka na ng tadhanang muli'y maging masaya at lumuha dahil sa Pagibig...

Tuesday, February 28, 2012

Sa Ngayon

Hindi na kita kakamustahin, alam kong na sa mabuti kang lagay. Noong una wala ka namang sinasabi sa akin na may napagadadaanan ka pala..sana nasabi mo din baka mas maging ok ka sana ngayon. Alam ko matatag ka, isipin mo lang ... hindi lahat nakukuha sa isang ngiti at hikab..lalo na kung walang ibang kumikilos kundi ikaw. Kung akoy tatanungin mo sa ngayon? Hindi ako ok, nahihirapan ako huminga ..normal naman dugo ko ..maari sigurong dala ng takot na may mawala o nawala sa buhay ko. Hindi rin ako sigurado sa ngayon, kung bukas magiging ok na ang lahat... yon bang tulad noong bata ka na problema mo lang kung papaano papalabasan ang pambura sa lapis ...paano mo aabutan ang mga kalaro mo sa habulan... sana ganon lang kadali ang lahat.

Doon nga pala sa kinalakihan mo... marami doong pagbabago ngayon,.. lagi ka nila tinatanong.. ako naman lagi lang nilang pinupuri. ako daw ang pinakamabait na bata noon sa lugar natin , tulad mo masipag dw akong magaral.Iniisip ko nga dati mailalagay ko siguro ang pangalan ko sa harap ng bahay namin..kasi sabi nila.. madami daw ako matutupad kahit na hindi ko pangarap. Kaya nga sa ngayon.. hindi na lang muna ako magiisip...baka naman tulad mo... kailangan ko ding magpahinga muna.. sandali lang naman... para mabilang ko naman ang dumadaang sasakyan..o kaya'y makita ko ang ganda ng paligid. Noon paburiti ko itong gawin..kaya siguro naging madali sa akin ang maging bata at maging masaya sa kunting bagay.

Oh paano? akoy napadaan lang.. sana magingat ka .. kung lalayo ka man... siguraduhin mong may bala ka sa kalungkutan.. kasi mahirap magisa... malungkot... nakakainip... nakakawala ng pasensya.. ayaw ko na maranasan mo ang napagdaanan ko... Sa uulitin.. sana'y gawin uli natin ang magbilang ng bituin.. doon kasi ako unang nakatagpo ng tunay na kaibigan.. noong bata pa tayo.. Noong ikaw at ako... ay di tulad ng sa ngayon..

Monday, January 30, 2012

Sapul

Sumasalungat ang kabuoan kung pagkatao sa gusto ng puso ko...sasanib mula sa akin..ang dwelo ng pagdidisesyon at pagtitimbang ng dapat gawin sa pusong nalilito at isipang buhol buhol.


Wala akong maitatatwang pinagdaanan.. minsa pa.. ako'y muling hihinga at lilipas sa akin.. ang sali saliwang paginog ng adhikaing.. limot

Friday, January 27, 2012

Pagal

sasapit ako sa dulo ng pagtitiis
upang muliy huminga at manatiling mulat
ako'y muling kukurap
upang dilim ay magliwanag

sasakyan ko ang hanging dadampi
sa pagal kung katawang impis at said
isasama ko ang huli kung daing
upang panaginip ay maunang dumating

lalapagan ng lambot at sawi
dadampi ang bawat sandali
hihinga ako ng mabilis
babawiin ko nawalang ulirat





 

Sunday, January 8, 2012

Crush

Sa malayong pagiisa may diwa ang aking mata
.sa layo mo'y nasisilaw sa lakas ng iyong ganda..
. ikaw ay isang hanggang walang ganap na umpisa.!
Puso ko ay kumakabog sa linaw ng iyong saya.
.walang saplot na bahagya ang isipan kong paralisa.
.. Lilisan ka't iiwan mo mata koy lumuluha...